hindi ako masyadong masaya. nagpre-pretend lang ako na ok ako pero parang hindi ako ok. kung bakit naman kase bigla na namang lumutang ang problema namin na wini-wish ko na maglaho na nuon pa. kinalimutan ko na nga sya dahil nagho-hope ako na pag di ko na sya inisip, hindi na sya lalabas pa. pero nandito sya ngayon. out of nowhere, bigla na naman nyang prinisinta ang sarili niya sa buhay ng pamilya ko. bwisit ang mga taong nagdulot sa amin nitong problemang ito. nananahimik kami nuong bagong taon at ginulo nila ang buhay namin at sila pa ang may ganang magdemanda. leche sila. naiinis ako sa kanila.
ang totoo, natatakot ako sa kahihinatnan ng kaso. sa july 23 na yun and dapat as of today makausap na ang lawyer. para makapag-prepare para sa hearing. perwisyo talaga... sa oras, sa pera, sa emotional strain sa akin. hindi ko sinasabi kay swthrt ang nararamdaman ko kase ayaw kong panghinaan sya ng loob. pero takot talaga ko sa pwedeng mangyari. hindi ko mailabas sa kahit kanino. i have to be strong and i have to keep this to myself until this is over.
ang mga anak ko walang kamalay-malay sa nangyayari. i just keep them happy all the time. kahapon nga, despite the problem hanging over my head, dinala namin mga kids sa art angel show. di rin naman nasiyahan kasi ang daming tao pala ng mga ganung event. tapos nagpunta kami kina mommy may konting kainan kasi birthday ng anak ng kuya ko. sabi nila mommy & daddy ayusin daw namin at wag pabayaan yung kaso. sa isip-isip ko, "oo naman..." syempre ayaw kong maging negative ang kalabasan ng kaso na 'to. leche talaga yung mga taong yun. sana makarma sila agad. instant karma ba. come to think of it, baka nga karma nila ito baka madami na silang naargabyado and kami ang katapat nila. pero kasi parang kami yung inaapi dito eh. dapat talaga kami ang manalo sa kaso na 'to. nakakainis lang kasi masyadong abala sa amin.... tsaka yun nga emotional strain sa akin. masyado akong nalulungkot pag iniisip ko.
sus, napa-tagalog nga ako ng di oras dito sa blog dahil dun eh! please naman po, Lord, wag mo kami pabayaan.....
No comments:
Post a Comment